Payag ako kung kissing scene lang—Sunshine



https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj-mWgAg6sQnI1tfqzLLo1rcLwXN482oIKo5EjeiUhitHQSxOSiwtKD-gI66cGv_uUxvYABUbVQYL-d2eZYJ6UAoqr_9FzbOWg6UAEJBTvz6967UEKO1yBUjflw3VOB-Q936b36O6GArsto/s1600/Sunshine-Cruz-253x300.jpg
TULUYAN nang nakabalik sa kanyang trabaho sa showbiz si Sunshine Cruz at may bonus pa, bilang product endorser ng isang beauty product.

Tuluy-tuloy nang nakabalik ang aktres sa larangan ng pagganap na hindi niya akalaing mangyayari uli.

During happier times ng kanilang pagsasama ni Cesar ay iniukol ni Sunshine ang lahat ng kanyang panahon bilang asawa ng aktor at ina ng kanilang tatlong anak.

Dala ng kanilang problema sa pagsasama, muli niya itong binalikan sa tulong ng kanyang manager na si Alfie Lorenzo.

Sa kanyang pagiging aktibong muli sa pagganap ay nilinaw ni Sunshine na hindi na siya tatanggap ng roles na gaya ng mga ginampanan niya noong mangpaseksi siya sa movies.

Hanggang kissing scene na lang ang kanyang gagawin kung sakali mang kakailanganin ang intimate scenes.

Wala naman daw masama dito lalo na kung mag-asawa ang isasalarawan sa istorya ng palabas. Katunayan, sa Dugong Buhay ay may kissing scene sila ni Christian Vasquez.

Taglay pa rin ni Sunshine ang seksi at maalindog na pangangatawan pero hindi ito nangangahulugan na magbabalik siya sa sexy roles.

“Ipapaubaya ko na lang ang gan’ong roles sa mga nakababata sa akin. I have three beautiful girls at gusto ko silang pangalagaan,” determinadong sabi ni Sunshine.
Source: balita.net.ph






Love to hear what you think!



Powered by Blogger.