Ang 23-year-old actress at TV host na si Megan Young ang kinoronahang Miss World sa 63rd edition ng international beauty pageant na ginanap gabi, September 28, sa Bali, Indonesia.
Tinalo ni Megan ang 126 pang mga candidates mula sa iba't ibang panig ng mundo.
Ang First Princess ay si Marine Lorphelin ng France.
Second Princess ang kandidata ng Ghana na si Naa Okailey Shooter.
Ang iba pang mga nakapasok sa Top 6 ay ang mga kandidata mula sa Brazil, Spain, at ang Gibraltar matapos siyang gawaran ng People's Choice award.
Si Megan ang kauna-unahang Pilipina na nanalong Miss World.
Bago ang pagwawagi ni Megan ay naging mailap ang koronang Miss World sa Pilipinas.
Bago nito, ang pinakamataas na puwesto na nakuha natin ay First Princess o 1st runner-up, na napanalunan nina Evangeline Pascual noong 1973 at Gwendoline Ruais noong 2011.
Second Princess o 2nd runner-up naman ang puwesto ni Ruffa Gutierrez noong 1993.
Si Megan din ang nanguna sa Top 10 semifinalists, matapos niyang makuha ang pinakamataas na iskor sa preliminary competitions.
Kabilang na rito ang pangunguna niya sa Top Model competition.
Pumuwesto rin si Megan sa Beach Fashion (5th) at Multimedia (4th).
Ang iba pang mga nakapasok sa Top 10 semifinalists ay ang mga kandidata mula sa Australia, Nepal, England, Indonesia, at Jamaica.
Sa huling bahagi ng competition ay tinanong isa-isa ang final six finalists kung bakit sila ang dapat manalong Miss World.
Ang sagot ni Megan: "I treasure the core value of humanity and that guides her into understanding people, why they act the way that they do, how they're living their lives. And I will use these core values in my understanding, not only in helping others, but to show other people how they can understand others, to help others. So that, as one, together, we shall help society."
Source: pep.ph
Love to hear what you think!